The voice of the youth is important in conveying the message and the knowledge that students have gained during this term. Therefore, as Lasallian Filipinos who aspire to contribute to society through what they have learned in school, they are tasked with persuading and raising awareness among fellow Filipino youth about how young people can help improve the state of education in the country in their own little way.
Through a Talumpati (Speech), students will raise awareness and encourage Filipino youth aged 11 and above to donate books that can help address the problem of limited access to reading materials among students in public schools, which is one of the factors contributing to the education crisis in the Philippines. In this way, even through a small act, they can contribute to addressing one of the challenges faced by society.
Students undertaking this project are expected to demonstrate the standards of effective speaking and writing in Filipino.
ENGAGE
Masaklaw na Ideya (BIG IDEA) : SDG 4 ( Dekalidad na Edukasyon at Krisis sa Edukasyon )
Mahalagang Tanong (Essential Question):Paano magiging bahagi ng solusyon ang mga kabataan, partikular ang nasa ikaanim na baitang, gamit ang TALUMPATI sa pagpapalawak ng access sa edukasyon sa bansa?
Hamon (Challenge): Paano magagamit ang talumpati upang makapaghatid ng kamalayan sa bawat kabataan at magamit ang boses bilang tulay sa pagbibigay ng access sa ilang kabataang Pilipino sa mga babasahin upang maging bahagi sa paglutas ng krisis sa edukasyon?
INVESTIGATE
Mga Gabay na Tanong (Guiding Questions) :
- Ano-ano ang mga dahilan ng pagkakaroon ng krisis sa edukasyon?
- Paano makakatulong ang pagbasa upang maiwasan ang paglala ng krisis sa edukasyon?
- Paano makakatulong ang iyong isinulat na talumpati sa pagtugon sa krisis?
- Ano ang pangunahing layunin ng iyong talumpati?
Mga Gabay na Gawain at Sanggunian (Guiding Activities and Resources):
1. Magsagawa ng maikling pagsasaliksik tungkol sa napapanahong paksa na angkop sa SDG4 (4.6). Gamitin ang mga nakalakip na video at artikulo tungkol sa paksa.
https://web.coa.gov.ph/sdg/index.php/goals/sdg/quality-education/
https://www.youtube.com/watch?v=LIExX9St4oA
https://www.youtube.com/watch?v=J7JegoKjpmM&t=14s
2. Maaaring gamitin sa pagtatala ng mahahalagang impormasyong naitala gamit ang Freeforms at Notes app.
2. Bumuo ng balangkas ng talatang gagamitin sa talumpati.
3. Isulat sa burador ang talumpati. Isinaalang-alang ang mga kasanayang wastong gamit ng mga bahagi ng pananalita at kaangkupan ng nilalaman sa paksa .
ACT
Atin nang umpisahan! (Get Started) :
Solusyon: Gamitin ang TALUMPATI bilang instrumento upang makapagbigay-kaalaman sa kasalukuyang estado ng edukasyon sa ating bansa sa kapwa mong kabataan. Ipahayag sa talumpati ang paghikayat sa kabataan ng simpleng paraan na makapagbigay ng solusyon sa lumalalang krisis sa edukasyon dahil sa kakulangan sa access sa mga kagamitang lilinang sa karunungan ng bawat kabataang Pilipino gaya ng kusang-loob na pagbibigay ng donasyong aklat sa mga pampublikong paaralan.Ipahayag ang kalakasan ng boses ng kabataan para rin sa bawat kabataan.
Implementation: Maghatid ng kamalayan tungkol sa kinahaharap na krisis sa edukasyon at sa bawat Pilipino sa pamamagitan ng pagtatalumpati sa mga imbitadong tagapakinig na kabataang Pilipino. Isumite ang isinaayos na video.
Evaluation: Nagsagawa rin ng paghingi ng feedback at pangako (commitment) mula sa mga tagapakinig. Mula sa mga nakalap na feedback, nakita ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng malinaw na pagpapahayag ng kanilang mensahe, kapwa sa pasalita at pasulat na paraan. Bukod dito, humingi rin sila ng commitment upang maipagpatuloy ang layunin ng proyekto, hindi lamang sa mga mag-aaral ng Ikaanim na Baitang ng De La Salle Santiago Zobel kundi maging sa iba pang kabataang Pilipino.
Document , Reflect and Share : Pahalagahan ang naging karanasan at unawain ang bawat karanasan sa naging proseso ng mga estudyante. Kaya naman, ang mga estudyante ng ikaanim na baitang ay nagpasa ng kanilang repleksyon at mga larawan.
Pagkatapos ng ikaanim na baitang, nagawang maipamamalas ng mga mag-aaral ang kanilang kakayahan sa pakikipagtalastasan, mapanuring pag-iisip at pagpapahalaga sa wika at kultura upang makaambag sa pag-unlad ng bansa.






Attach up to 5 files which will be available for other members to download.